Alagaan

PANGANGALAGA SA HAYOP 
 
   
Napakaganda ng mundo kung lahat ay magkakasundo. Tao sa tao, tao sa kapaligiran, Kapaligiran sa hayop at mas lalong lalo na sa pagitan ng Hayop at Tao. Masarap tignan ang tao at hayop na nakikipag-ugnayan sa isat. Nagmamahalan at pinahahalagahan ang isat isa, ngunit hindi lahat ay pinahahalagahan at minamahal ang mga hayop. Karamihan ng mga tao ay tinuturing ang hayop bilang “hayop” mismo. Sinasaktan at minamaltrato nila ang mga ito. Hindi pinapakain at hindi binibigyan ng tamang tirahan. Ngunit, maswerte padin ang Pilipinas dahil marami pa din ang nag aalaga at nais mag alaga ng mga hayop. 
    Para sa mga gustong mag alaga o nais mag alaga ng hayop, narito ang ilang paraan ng tamang pag aalaga ng hayop. 
   Una, ang higit na nararapat bigyang-pansin ay ang damdamin ng mga hayop. Ang mga hayop ay may damdamin din na kailangang pangalagaan. 
  Pangalawa, upang maging malusog, nararapat na bigyan ang mga ito ng pagkaing may sapat na nutrisyon na makakatulong sa kanila upang lumaki ng malusog. Ang mga alagang hayop din ay may mga kinakailangang bitamina at mga gamot.
  Ikatlo, kung ang hayop ay may masustansyang pagkain, dapat lamang na maglaan ng malinis na tubig dahil balewala lamang ang masustansyang pagkain kung hindi malinis ang tubig na iniinom nito.
    Ikaapat, ang hayop na iyong aalagaan ay nararapat na bigyan ng maayos na tirahan kung saan ito ay nakaangat sa lupa, nasisikatan ng araw at nasisimuyan ng hangin ngunit may panangga sa sobrang init at ulan. At ang ikalima at huli, di mo magagawa ang lahat ng naunang nabanggit kung wala ka ng pang huli, ang Pagmamahal. Lahat ng mga bagay at tao sa mundo ay nararapat na makaramdam ng pagmamahal. Magagawa mong mapagtagumpayan ang pag aalaga ng mga hayop sa pamamagitan ng pagmamahal. Ating mahalin at pahalagahan ang mga hayop gaya ng pagmamahal natin sa kapwa natin. Sila ay may damdamin din na dapat bigyang pansin.


Comments